^

Metro

Krimen sa Valenzuela, lutas sa ‘Pailaw at CCTV Project’ ng LGU

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Valenzuela City Mayor Wes ­Gatchalian na agad-agad na malulutas ang krimen sa lungsod sa tulong ng  inilunsad na “Pailaw at  CCTV Project”.

Ang paniniyak ay ginawa ni Gatchalian matapos ang panibagong insidente ng pananakit at panunutok ng baril sa isang traffic enforcer nitong Hulyo 14 kung saan malinaw na nakita sa CCTV ang insidente at nakilala ang mga pulis Maynila na sangkot.

Ani Gatchalian,  walang puwang ang mga abusado at kriminal sa lungsod.

Ayon kay  Gatcha­lian, priyoridad nila ang seguridad ng  Pamilyang Valenzuelano, kaya sinimulan na nila ang paglalagay ng mga ilaw at  closed-circuit televisions (CCTVs)  sa ilang kalsada ng 33 barangay ng lungsod.

Nasa 1,241 street lights at 237 CCTVs  ang ilalagay na umaabot sa P351,200, 000 mula sa tanggapan ni Senator Sherwin Gatchalian.

Kabilang dito ang M.H Del Pilar Road, Brgy. Arkong Bato - Brgy. Malanday; Bisig Road at Brgy. Bisig; Sapang Bakaw - Punturin Road at Brgy. Lawang Bato - Punturin; NLEX West Service Road, Brgy. Canumay West; T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales to Brgy. Canumay West; Rincon - Pasolo - Mabolo Road at Brgy. Ricon - Brgy. Pasolo - Mabolo; P. Deato Road at Brgy. Villa Pariancillo; I. Santiago Road at Brgy. Malinta; G. Lazaro Road at Brgy. Dalandanan; NLEX East Service Road, Brgy. Lawang Bato;  NLEX East Service Road, Brgy. Mapulang Lupa; A. Fer­nando Road, Brgy. Marulas; A. Pablo Road at Brgy. Karuhatan; G. Marcelo Road at Brgy. Parada; Gen T. De Leon Road, Brgy. Gen T. De Leon; Maysan Road, Brgy. Maysan; NLEX West Service Road, Brgy. Paso De Blas; Pio Valenzuela Road, Brgy. Marulas at Que Grande Road, Brgy. Ugong.

Sa ngayon, napailawan na at nalagyan ng CCTV ang  3S Center sa Gen. T. De Leon, 3S Center sa Ugong, Apolonio Rafael, Brgy. Mapulang Lupa, 3S Center Palasan, 3S Center Malanday at Brgy. Veinte Reales.

“Ito na siguro ang oras na ang mga Pamilyang Valenzuelano ay maglalakbay nang hindi natatakot, di na tayo matatakot sa mga snatcher, hindi na tayo takot na umuwi ang mga ating mga anak na kababaihan nang gabi, at mas mapapaigting pa ng kapulisan ang kanilang trabaho sa pagbabantay po ng ­ating lansangan,” dagdag pa ni Gatchalian.

vuukle comment

CRIME

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with