^

Metro

19-anyos estudyante ni-rape, kinikilan ng call center agent

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
19-anyos estudyante ni-rape, kinikilan ng call center agent
Nakapiit sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si alyas “Edward, 25-anyos.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Nakilala sa online dating app

MANILA, Philippines — Arestado ang isang call center agent na nakilala ng isang 19-anyos na babaeng estudyante sa isang online dating app, dahil sa umano’y panggagahasa at pagbabanta na ipo-post sa social media ang kanyang mga sensitibong larawan kapag hindi magbibigay ng malaking halaga, nitong Biyernes ng madaling araw.

Nakapiit sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si alyas “Edward, 25-anyos.

Dakong ala-1:30 ng madaling araw ng Hulyo 19, 2024 nang malambat ang suspek malapit sa kaniyang bahay sa Parañaque City ng mga tauhan ng Special Operations Unit (SOU).

Nabatid na mismong kay Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr, humingi ng saklolo ang ama ng biktima kaya’t agad inatasan ang SPD na madakip ang suspek.

Ikinasa ang entrapment operation, sa pagpapanggap ng biktima na kaswal lang ang pakikipagkita nito sa suspek. Lingid sa kaalaman ng suspek, nakaantabay lamang ang mga operatiba na may gamit na alternative recording device, na nagrekord ng mga pangyayari hanggang sa pag-aresto, kung saan pumalag pa ang suspek nang dakpin ng mga operatiba, base sa video.

Personal ding nagtungo si Abalos sa SPD para sa pagdakip sa suspek kasabay ng paalala sa mga magulang na ingatan ang mga kabataan sa trend ngayon na dating apps, na naging daan sa pambibiktima.

Sa kabila nito, itinanggi ng suspek ang akusasyong rape, at iginiit na pareho nilang ginusto ang nangyaring sekswal hanggang sa nagkalabuan at nang hindi na umano interesado ang biktima sa kanya ay hiningian na lang niya ng pera.

Inihahanda na ng WCPD ng SPD ang ihahaing kasong rape, robbery extortion, at disobedience to an agent of a person in authority laban sa suspek.

vuukle comment

WCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with