P6.9 milyong marijuana samsam sa buy-bust

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, nadakip dakong alas-10:30 ng gabi sa operasyon si Brenjie Oberez, 42, Saint Mary St., corner New York St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi nakalusot sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa halos P7 milyong halaga ng marijuana sa ikinasang  buy-bust operation sa lungsod ng Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay  NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez, nadakip dakong alas-10:30 ng gabi sa operasyon si Brenjie Oberez, 42, Saint Mary St., corner New York St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Nakuha kay Oberez  ang nasa 58 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot ng plastic at nagkakahalaga ng P6,960,000.

Sinabi ni Nartatez na ang pagkakaaresto sa suspek ay indikasyon sa mas pinatindi pang kampanya ng pulisya laban sa illegal drugs.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments