MANILA, Philippines — Magkakaloob ang Quezon City government ng learning kits para sa Kinder hanggang Grade 12 na mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa lungsod para sa nalalapit na pasukan ng mga mag-aaral sa Hulyo 29.
Ayon sa QC LGU, ang hakbang ay regular na tulong ng lokal na pamahalaan sa mga mag-aaral upang makabawas sa gastusin ng mga magulang sa pag aaral ng mga anak at tuloy matiyak na may sapat na kagamitan ang mga estudyanteng magbabalik eskwela ngayong pasukan.
Ang bawat learning kits ay may nakasilid na iba-ibang school supplies base sa kanilang grade level, tulad ng notebooks, ballpens, pencil, crayons, clay, note pads, alcohol dispenser, small whiteboard, marker, tumbler, at iba pa.
Target ng LGU na makapamahagi ng 440,000 learning kits para sa SY 2024-2025.
Mula taong 2020, umabot na sa higit sa dalawang milyong learning kits ang naipamigay ng QC LGU sa mga mag- aaral ng lungsod.