^

Metro

Higit 6K pulis kinasuhan ng administratibo - PNP-IAS

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit 6K pulis kinasuhan ng administratibo - PNP-IAS
Members of the Manila Police District (MPD) on January 24, 2024.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nasa mahigit 6,000 pulis ang sinampahan ng kasong administratibo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa ulat ni Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) Inspector General Atty. Brigido Dulay Jr. kahapon.

Sinabi ni Dulay na nasa 6,526 na mga pulis na ang inirekomendang patawan ng iba’t ibang parusa dahil sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan.

Sa nasabing bilang, nasa 2,551 ang nadesisyunan na ang kaso kung saan, 572 dito ang inirekomendang alisin sa serbisyo, 260 ang inirekomendang patawan ng demotion habang 1,418 ang suspensyon.

Inirekomenda namang patawan ng magaan na parusa, ayon kay Dulay ang iba may pulis na may kasong Simple Misconduct, Simple Dishonesty, Simple Irregularity, Simple Neglect of Duty, Less Grave Neglect of Duty, Less Grave Misconduct, Conduct Unbecoming of Police Officer at Gross Incompetence, Grave Misconduct, Grave Dishonesty, Grave Irregularity at Grave Neglect of Duty.

Tiniyak ni Dulay na tuluy-tuloy ang kanilang pagdinig sa kaso ng mga pasaway na pulis bilang bahagi sa paglilinis sa hanay ng PNP.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with