^

Metro

P6.8 milyong shabu nakumpiska sa big-time ‘tulak’ sa Valenzuela

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Himas rehas ang isang hinihinalang bigtime na tulak ng droga matapos na makumpiskahan P6.8 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief PCol. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas “Nash”, 44-anyos, ng Brgy. Parang, Maguindanao.

Batay sa report, nagkasa ng buy-bust operation laban sa suspek ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR Quezon City District Office, Police Sub-Station 1 at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police Station alas-11:30 ng umaga sa Capt. Cruz corner Service Road, Brgy. Parada ng lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 1,000 gramo o 1-kilo ng shabu na may halagang P6,800,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with