Online sellers sinimulan nang patawan ng buwis

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR).ang pagpapataw ng withholding tax sa mga online sellers.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ay batay sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 79-2024 na ipinalabas ng ahensiya.

“Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting July 15, 2024. We have already extended this by 90 days. No further extensions will be given,” pahayag ni Lumagui.

Una nang binigyan ng BIR ng 90 araw na palugit o dalawang buwan ang mga online sellers para sa natu­rang pagbubuwis.

Saklaw ng kautusan ng BIR ang mga online sellers na nagsasagawa ng negosyo sa electronic marketplace gaya ng Lazada at Shopee.

Show comments