P25.4 milyon ‘di sertipikadong appliances samsam ng DTI
MANILA, Philippines — Nasa P25.4 milyong halaga ng mga hindi sertipikadong kagamitan sa bahay at consumer goods ang nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang tatlong magkahiwalay na operasyon ng “Task Force Kalasag” sa mga bodega sa Valenzuela City, Bulacan, at Cavite.
“The DTI lauds the Task Force Kalasag’s recent successes, with three separate raids across Valenzuela City, Bulacan, and Cavite intercepting millions in uncertified home appliances and consumer goods. These operations demonstrate the effectiveness of our collaborative efforts in combating illicit trade and protecting consumers,” ani Kalihim Secretary Fred Pascual na Pascual.
Ang mga kamakailang raid, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga local government units at National Bureau of Investigation (NBI), ay pinasimulan bilang tugon sa mga reklamo ng consumer at online monitoring.
Noong Hunyo 26, ang isang raid sa isang warehouse ng Valenzuela City ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 9,874 non-compliant appliances na nagkakahalaga ng halos PHP 7.8 milyon, na humantong sa pagsasara ng establisyimento dahil sa operasyon nang walang valid business permit.
Dalawang bodega ang target ng kahalintulad na operasyon sa Plaridel, Bulacan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 9,428 non-compliant appliances na nagkakahalaga ng mahigit P9.3 milyon.
Sa Tanza, Cavite, ang enforcement action ay humantong sa pagkakasamsam ng 14,072 uncertified appliances na nagkakahalaga ng mahigit PHP 8.2 milyon. Agad na ipinasara ng Tanza Municipality ang naturang establisimyento.
- Latest