Mekanikong babaero, pinasabog ang bungo

Dead-on-the-spot  dahil sa apat na tama ng bala ng baril sa ulo ang  biktimang si alyas Ranny, 22, ng Sitio Gulayan, Brgy. Catmon, ng nabanggit na lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang mekaniko na sinasabing pabling o babae ang pinasabog ang bungo ng hindi pa nakikilalang mga suspek nitong Biyernes sa Malabon City.

Dead-on-the-spot  dahil sa apat na tama ng bala ng baril sa ulo ang  biktimang si alyas Ranny, 22, ng Sitio Gulayan, Brgy. Catmon, ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa naman ng follow-up  investigation ang pulisya upang matukoy ang  mga salarin na  tumakas patungo sa looban ng Sitio Gulayan tapos ang  pamamaril.

Batay sa naantalang report, lumilitaw na nangyari ang  insidente nitong Biyernes dakong alas-3 ng madaling araw malapit sa tirahan ng  biktima sa Sitio Gulayan.

Ipinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo  nang lapitan ng mga suspek at paputukan ng  apat na beses.

Sa report mula sa tanggapan ni Malabon police chief PCol. Jay Baybayan, ilan sa kanilang tinitignang anggulo ay ang pagiging babaero ng umano ng biktima at pagkakasangkot nito sa ­illegal na droga.

Bukod rito, minsan na ring kinasuhan ng “rape” si alyas Ranny mahigit tatlong taon na ang nakararaan subalit na-dismiss ito matapos na hindi na makadalo sa mga pagdinig ang biktima.

Show comments