MANILA, Philippines — Makaraan ang apat na linggong sunud-sunod na oil price hike, sa susunod na linggo ay aasahan naman na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga oil players, sa sunod na linggo ay may bawas na 70 sentimos hanggang 90 sentimos sa kada litro ng gasolina samantalang may rollback na P1 hanggang P1.15 per liter sa presyo ng diesel at kerosene.
Sinasabing ang nagdaang apat na araw na galaw ng presyuhan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price rollback.
Tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.