^

Metro

Coed hinoldap, sinaksak sa loob ng University of the Philippines campus

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak ng tatlong holdaper ang isang 18-anyos na babaeng college student sa loob ng University of the Philippines (UP) campus sa Diliman, Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Ang sugatang biktima na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan ay ginagamot sa isang ospital sa lungsod makaraang magtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-8 ng gabi sa tapat ng College of Electrical Engineering sa UP Diliman campus.

Habang naglalakad ang biktima sa natu­rang lugar nang biglang sumulpot ang tatlong suspek at agad siyang tinutukan ng patalim ng isa sa mga suspek sabay deklara ng holdap.

Dahil sa takot ng biktima, nagsisigaw siya at humingi ng tulong pero dahil naalarma ang suspek sa paghiyaw ng biktima ay inundayan siya ng sunud-sunod na saksak ng suspek.

Makaraan ang insidente, tumakas ang mga suspek sa lugar dala ang bag ng biktima.

Dahil sa insidente, naghigpit ng seguridad ang pamunuan ng UP Diliman at nagdagdag na mga security personnel na magbabantay sa iba’t ibang lugar sa campus.

Pinayuhan ng UP Diliman ang publiko na maging mapagmasid at iulat agad sa kanila ang anumang kahina-hina­lang pangyayari sa loob ng nasabing paaralan.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with