MANILA, Philippines — Ipatutupad na ngayong Martes ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktog petrolyo.
Ipinahayag ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, at mga independent player na Seaoil Philippines at Flying V na alas-6:01 ng umaga ng Martes, magtataas sila ng presyo ng premium at unleaded na gasolina ng P1.60 kada litro, P0.65 sa kada litro ng diesel at P0.60 sa kada litro ng kerosene.
Dalawang iba pang malalaking kumpanya ng langis na PTT Philippines at Total Philippines na hindi nagbebenta ng kerosene ay magpapatupad ng parehong hanay ng pagtaas sa kanilang mga produktong gasolina at diesel simula alas-6:00 ng umaga ng Martes.
Ang iba pang independent oil player na hindi nagbebenta ng kerosene tulad ng Petro Gazz, Unioil Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum at Eastern Petroleum, ay magpapatupad din ng parehong price adjustments sa Martes ng umaga habang ang Clean Fuel ay pagsapit pa ng alas 4:01 ng hapon ng Martes.
Ito na ang ikaapat na sunod na linggong price hike ng mga local na kumpanya ng langis.