76 ‘wanted’ nalambat sa 24-oras ops ng SPD

MANILA, Philippines — Umaabot sa 76 na wanted persons ang naaresto ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa serye ng mga operasyon sa loob lamang ng isang araw o 24-oras sa Pasay, Muntinlupa, Pa­rañaque, Makati, Taguig, Las Piñas, at Pateros.

Ito’y sa ilalim ng pangangasiwa ni SPD director,  PBrig. Gen. Leon Victor  Rosete, sa pagsasagawa ng ika-22 Warrant Day operation mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Hulyo 5, 2024.

Sa kategoryang Top Most Wanted Persons, ang Makati City Police Station ay isa ang naaresto; Taguig CPS na 3 ang nadakip sa 3 operasyon; isang nahuli sa operasyon ng Pasay CPS; isa sa Muntinlupa CPS;  3 sa Las Piñas CPS; at 2 sa Parañaque CPS .

Para sa Most Wan­ted Persons category, isa ang naaresto ng  Taguig CPS; 4 ang Pasay sa apat na isinagawang operasyon; 10 operasyon na nadakip ang 10 indibidwal ng  Muntinlupa CPS; isa sa Las Piñas CPS; at isa ang nalambat ng District Mobile Force Battalion (DMFB).

Sa kategorya naman ng Other Wanted Persons, 3 ang operasyon sa 3 naaresto; 8 indibidwal sa 8 operasyon sa Taguig CPS; 2 operasyon sa 2 huli ng Pateros MPS; 10 ang huli ng Pasay sa 10 operasyon; 2 ang Muntinlupa CPS;  Las Piñas CPS na may 8 nahuli sa  8 operayon; Parañaque CPS na 14 naman ang nadakip sa 14 na operasyon, at isa ang naaresto ng District Traffic Unit/District Anti-Carnapping (DTU/DACU).

Ilang indibidwal na may “long standing warrants” kabilang ang nagtago sa batas ng isa at dalawang dekada ang kabilang sa matagumpay na nadakip.

Show comments