^

Metro

Chinese crew naputol daliri, tinulungan ng PCG

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese crew ng Hong Kong-flagged bulk carrier na aksidenteng naputulan ng daliri ang tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes, sa karagatang sakop ng Antique.

Ayon sa PCG, isang medical evacuation ang ginawa nila sa isang 35-anyos na 2nd Engineer ng pangalawang engineer ng Hong Kong-flagged bulk carrier MV BBG Qinzhou.

Ang kaliwang hinlalaki ng biktima ay aksidenteng naputol ng fan blade na nagresulta sa matinding pananakit at pagdurugo.

Nabatid na mula sa Nansha, China, ang MV BBG Qinzhou na patu­ngo sa Tanjung Bara, Indonesia nang mangyari ang insidente 20.69 nautical miles west ng Semirara Port, alas 9:00 ng umaga ng Huwebes.

“In coordination with the captain and vessel’s agent, the PCG deployed BRP Kalanggaman to the rendezvous area at 1.5 nautical miles of Nogas Island, Anini-y, Antique,” ayon sa PCG.

Ligtas na nailikas ang pasyente alas-6:00 ng gabi, at nilapatan ng pansamantalang lunas sa tulong ng apat na PCG medical personnel habang patungo sa Muelle Loney Wharf sa Iloilo City.

Pagsapit sa wharf, itinurn-over ang dayuhang crew sa kinatawan ng kanilang barko.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with