^

Metro

Lalaki tinodas sa illegal tapping ng tubig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 25-anyos na lalaki na umano’t illegal na nagta-tap ng koneksyon tubig nang barilin habang natutulog sa loob ng pedicab ng ‘di pa tukoy na pagkilanlan ng suspek sa Baseco, Port Area, Manila, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Primo Galla, residente ng Block 5 Extension, Barangay 649, Baseco.

Inilarawan ang dalawang lalaking suspek na ang isa ay naka­suot ng bull cap, itim na long sleeve shirt, pula ang short pants at naka-tsinelas habang ang isa pa ay nakasuot din ng bull cap, itim na t-shirt, itim na pantalon,  at tsinelas.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:43 ng umaga ng Hulyo 4, 2024 nang maganap ang pamamaril sa Blk. 5 Extension, malapit sa AMA Dome, Baseco.

Nabatid na habang natutulog ang biktima sa nakaparadang pedicab sa Block 5 nang dumating ang dalawang suspek at minukhaan pa kung sino ang natutulog bago pinaputukan sa likod ng ulo.

Matapos isagawa ang krimen ay tumakas na naglalakad lamang ang dalawang suspek.

Mga tambay na nakasaksi ang nag-report sa barangay na ipinabatid agad sa MPD-Police Station 13.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng may kaugnayan sa ginagawang iligal na pagta-tap ng koneksyon ng tubig ng biktima ang dahilan sa krimen.

vuukle comment

MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with