^

Metro

562 PDLs pinalaya ng BuCor ngayong Hunyo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 562 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa buwan ng Hunyo, na umakyat na sa 14,657 ang kabuuang bilang ng mga PDL na inilabas bilang bahagi ng “Bilis Laya” Program, mula Hunyo 2022 hanggang Hunyo 2024.

Sa ulat ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.kay Justice Secretary Jesus Crispin  Remulla, Sa 562 napalaya para sa buwan ng Hunyo, 321 ang nakapagsilbi sa kanilang maximum sentence, 121 ang napawalang-sala, 98 ang nabigyan ng parole, 21 ang nabigyan ng probation at ang isa ay nabigyan ng executive clemency (conditional pardon).

Sa 14,657 na pina­laya, 8,129 ang nag-expire ng maximum sentence, 3,592 ang nabigyan ng parole, 2,468 ang naabsuwelto, 356 ang probation, 52 ang nabig­yan ng executive clemency sa pamamagitan ng commutation of sentence, 7 ang binigyan ng executive clemency sa pamamagitan ng conditional pardon, 35 ang out on cash and bail bonds. sa habeas corpus at 21 dahil sa iba pang paraan ng pagpapalaya.

Samantala, sinabi ni Catapang, ipinagpatuloy ng BuCor ang programa nito para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga PDL na nakakulong pa rin sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong pasilidad at rehabilitasyon ng mga kulungan at penal facility sa buong bansa.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with