^

Metro

156 loose firearms nasamsam ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagpapaigting ng kampanya laban sa loose firearms ang dahilan ng pagkakasabat ng 156 baril ng Quezon City Police  District (QCPD).

Ito naman ang sinabi ni QCPD Director PBGen. Redrico A. Maranan kung saan nakumpiska ang mga  loose firearms mula Enero hanggang Hunyo 2024.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 145 na operasyon ang isinagawa, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 147 indibidwal ng iba’t ibang istasyon at unit ng pulisya sa loob ng QCPD.

Batay sa record ng QCPD, nanguna sa operasyon ang Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni PLt. Col. Reynaldo Vitto, na nakakum­piska ng 20 baril na sinundan ng  Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa pamumuno ni PLt. Col. Leonie Ann Dela Cruz na may nasamsam na 18 baril at La Loma Police Station (PS 1) sa pamumuno ni PLt. Col. Romil Avenido na 14 na baril.

Bukod dito, nakumpiska ng Talipapa Police Station (PS 3) sa pamumuno ni PLt. Col. Resty Damaso ang 13 baril.

Panghuli, ang Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni PLt. Col. Roldante Sarmiento na nakakumpiska naman ng 12 baril.

Ang matagumpay na operasyong ito ay binibigyang-diin ang dedikasyon ng QCPD sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mga residente ng Quezon City.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with