^

Metro

22 crew ng barkong binomba ng Houthi, nakauwi na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
22 crew ng barkong binomba ng Houthi, nakauwi na
Ayon sa OWWA, ang 10 ay ikalawang batch at ang 12 ay ang ikatlong batch ng Pinoy seamen na dumating kahapon sa bansa lulan ng dalawang flights ng Cathay Pacific mula Hongkong nitong Martes ng gabi.
Department of Migrant Workers

MANILA, Philippines — Makakapiling na ng kani-kanilang pamilya ang nalalabing 22 tripulanteng Pinoy ng MV Transworld Navigator na nakaranas ng pambobomba habang naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden, makaraang dumating na sila sa bansa nitong Miyerkules ng madaling araw, ayon sa ulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon sa OWWA, ang 10 ay ikalawang batch at ang 12 ay ang ikatlong batch ng Pinoy seamen na dumating kahapon sa bansa lulan ng dalawang flights ng Cathay Pacific mula Hongkong nitong Martes ng gabi.

Nauna nang nakauwi sa Pilipinas ang lima nilang kasamahan noong Hunyo 30, 2024.

Sinalubong ang mga repatriates sa NAIA Terminal 3 ng mga opisyal ng Department of Migrant Workersd (DMW) at OWWA sa pangunguna nina OWWA Deputy Administrator Atty. Mary Melanie Quiño at OWWA-RAD OIC James Mendiola. Pinulong sila para ipaliwanag na sagot ng gobyerno ang gastusin hanggang sa makauwi sila sa kanilang mga bahay at makatatanggap ng financial assistance ang bawat tripulante.

“Napakalaking biyaya na po lalo na po sa amin na makita kayong ligtas. Dito po sa OWWA, bukas po kami lagi, 24/7 kung kailangan ninyo ng ka­usap o may services po kayo na gustong i-avail,” pahayag ni DA Quiño

Ang MV Transworld Navigator ay biktima rin ng makailang ulit na pambobomba ng mga Houthi rebels habang naglalayag sa Red Sea noong naka­raang linggo.

Ang agarang tulong na pagpapauwi sa bansa ng mga tripulanteng apek­tado ng sunud-sunod na Houthi attack sa Red Sea at Gulf of Aden ay bilang pagtalima pa rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tiyaking makakauwi nang ligtas at mabilis ang mga ito.

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with