4 Indian, Malaysian nasabat sa illegal entry

Sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), kinilala ang mga naaresto sa paglabag sa Section 37 ng Philippine Immigration Act of 1940 na sina Lakhwinder Singh Brar, Parwinder Singh, Sukhraj Singh Dubb at Jagjit Chohan, na pawang walang immigration stamp.
Bureau of Immigration, Republic of the Philippines/Facebook page

MANILA, Philippines — Limang dayuhan na kinabibilangan ng apat na Indian national at isang Malaysian ang nahaharap sa kasong illegal entry matapos silang arestuhin sa Tawi-Tawi noong Hunyo 28.

Sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), kinilala ang mga naaresto sa paglabag sa Section 37 ng Philippine Immigration Act of 1940 na sina Lakhwinder Singh Brar, Parwinder Singh, Sukhraj Singh Dubb at Jagjit Chohan, na pawang walang immigration stamp.

Nabatid na habang mino-monitor ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang apat na Indian national nang dumating sa Bongao, ay natukoy din ang Malaysian na si Bryan Joel Ng na walang maipakitang passport, kasama ang nobyang Pinay.

Ini-report ng PCG sa BI intelligence agents na umaresto sa mga dayuhan, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police, sa pamamagitan ng mission order na inisyu ni Commissioner Norman Tansingco.

Ayon sa BI, blacklisted ang apat na Indian habang si Ng ay hinihinalang sangkot sa trafficking.

Show comments