^

Metro

3 yate sangkot sa pagbibiyahe ng P9.6 bilyong droga nakumpiska

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) nitong Martes na kanilang nakumpiska ang tatlong yate, isa rito ang ginamit umano sa pagbibiyahe ng 1.4 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P9.68 bilyon sa Nasugbu, Batangas kamakailan.

Ayon sa BOC, katuwang ang Philippine National police at Philippine Drug Enforcement Agency, nagsagawa ng parallel investigation sanhi ng pagkakatuklas ng tatlong yate na pawang walang dokumento at pag-aari ng iisang tao.

Ang mga yate na kasalukuyang nakadaong sa Nasugbu, ay ipadadala sa Port of Manila Auction and Cargo Disposal Division.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa international partners, sa law enforcement agencies at sa iba pang ahensya ng gobyerno upang tumulong na masawata ang criminal operations sa bansa.

Magugunita na nasabat ang nasabing mga droga sa isang checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15, 2024.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with