^

Metro

Lalayang PDLs, benepisyaryo ng TUPAD - BJMP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Rehabilitasyon at pagbabago ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang prayoridad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kaya hanggang paglaya ay suportado sila sa ilalim ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers) program.

Ito ang sinabi ni BJMP Director Ruel Rivera sa pagdiriwang ng ika-33 taong anibersaryo ng Kawanihan  kasabay ng paglalahad ng  kanilang accomplishment at pagbibigay ng parangal sa mga  natatanging  personnel  jail sa bansa.

Ayon kay Rivera, malaking tulong ang P4,000 TUPAD assistance para sa mga PDLs na lalaya na maaari nilang gamitin sa pagsisimula ng maliit na negosyo.

Sinabi ni Rivera na sumalang sa evaluation ang nasa 5,086 na lalayang mga PDLs upang matiyak na karapat-dapat sila sa TUPAD program.

Kabilang naman sa ipinagmalaki ni Rivera ay ang pagbaba sa congestion rate ng 483 jails na mula 365% bumaba ito ng 322% bunsod na rin ng konstruksiyon ng mga bagong pasilidad; pagpapalaya sa 92,181 PDL sa ilalim ng Paralegal Programs upang walang overstaying; pagiging drug free ng  305 piitan bunsod ng kanilang Oplan Greyhound at ang Alternative Learning System sa ilalim ng  kanilang Educational Program upang nakakapag-aral pa rin ang mga PDL at maabot ang kanilang  pangarap.

Pinasalamatan din ni Rivera si Interior Secretary Benhur Abalos sa walang sawang suporta sa BJMP gayundin sa kanyang mga tauhan sa kooperasyon at dedikasyon sa trabaho upang maging maayos ang sistema sa mga piitan sa bansa.

Samantala, ginawaran ng paragal ang bilang City Jail Warden of the Year si JSupt. Xavier Solda Zamboanga City Jail dahil sa ipinamalas nitong pagbabago sa naturang piitan.

vuukle comment

BJMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with