Task Force binuo sa missing Mutya ng Pilipinas candidate, Israeli BF

MANILA, Philippines — Inutos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil ang pagbuo ng special investigation task group (SITG) na layong tutukan ang kaso at paghahanap sa Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 candidate na si  Geneva Lopez at kasintahan nitong si Yitchak Cohen na isang  Israeli.

Ang “SITG Genesaac”, ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ay binubuo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Highway Patrol Group (HPG), Anti-Cybercrime Group (ACG) at Forensic Group (FG).

Ayon kay Fajardo, may mga “persons of interest” na ang CIDG sa pagkawala sa magkasintahan subalit hindi niya maaaring ibunyag ang mga detalye nito.

Sa ngayon aniya, iniimbestigahan na ang testimonya ng isang dating pulis na sinasabing “middleman” sa lupang bibilhan ng magkasintahan.

Huling nakita ang  magkasintahan nitong  Huyo 21.

Natagpuan ang kanilang kulay gray na Nissan Terra sport utility vehicle (SUV) na sunog sa Capas-San Jose Road sa  Cristo Rey village dakong alas-2:36 ng madaling araw ng Hunyo 22.

Show comments