^

Metro

Higit 10K unregistered vehicles, huli ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahuli ng mga elemento ng Land Transportation Office (LTO) ang may 10,461 na behikulo kaugnay ng pinaigting na kampanya ng ahensiya laban sa mga hindi rehistradong sasakyan sa buong bansa noong nakaraang buwan ng Hunyo.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, sa kabuuang bilang ng mga nahuli ay 6,824 dito ang motorsiklo, nasa 1,787 tricycle; 954 private vans; 451 private sedans at 230 truck.

Sinabi ni Mendoza na ang kampanya laban sa mga unregistered vehicles ay para matiyak ang ligtas ang lahat ng road user sa bansa.

Aniya sa 10, 461 motor vehicles na nahuli, 9,212 dito ay naisyuhan lamang ng traffic violation tickets  habang ang 1,601 motor vehicles ay na-impound. Ang ilan aniya sa mga impounded vehicles ay colorum vehicles.

Kaugnay nito, inatasan ni Mendoza ang lahat ng LTO regional directors na palakasin pa ang kampanya laban sa mga hindi rehistradong sasakyan at hanapan ng court order ang may-ari ng sasakyan na ilalabas mula sa impounding area ng LTO.

 Samantala, nakahuli rin ang LTO ng 23 tricycle drivers sa ­Quezon City nang simulang ipatupad ang “No Plate, No Travel” policy sa lungsod kahapon. Sa nasabing bilang, 6 tricycle driver ay napatunayang hindi nakarehistro ang kanilang minamanehong sasakyan.

Nilinaw ni Mendoza na ang pagpapatupad ng polisiya sa QC ay bahagi ng kasunduan ng LTO at ng QC LGU kamakailan.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with