^

Metro

Dengue cases, bahagyang tumaas - DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) kahapon na nakikitaan na nila ng slight increase o bahagyang pagtaas ang mga naitatalang dengue cases sa bansa, batay na rin sa isinasagawa nilang patuloy na WILD (Water-borne disease, Influenza-like illness, Leptospirosis, and Dengue) monitoring.

Ayon sa DOH, mula sa naunang ulat na pag-plateau ng mga kaso, nagsimula na ang bahagyang pag-akyat ng dengue cases ng hanggang 10%, o mula sa 5,547 na naiulat mula Mayo 5 hanggang 18, 2024 hanggang 6,082 kaso mula Mayo 19 hanggang Hunyo 1.

Nagbabala rin ang DOH na bagama’t mayroon lamang 4,689 kaso ng sakit na naiulat mula Hunyo 2 hanggang 15, maaari pa anilang mabago ang naturang bilang dahil sa mga dumarating pang mga naantalang ulat.

Iniulat din ng DOH na sa pagsisimula ng taong 2024 hanggang noong Hunyo 15, kabuuang 77,867 dengue cases ang naitala, kabilang ang 205 na namatay.

Anang DOH, ang bilang ng mga kaso ngayong taon ay 15% mas mataas kumpara sa tally noong nakaraang taon na nasa 67,576 sa kaparehong panahon.

Nasa limang rehiyon lamang naman ang hindi nakitaan ng pagtaas ng mga kaso mula Mayo 5 hanggang Hunyo 1, kabilang dito ang National Capital Region (NCR), CALABARZON, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with