Bahay pinasok ng 4 ‘PDEA agents’, P.6-M pera, alahas kinulimbat

MANILA, Philippines — Pinasok ng apat na nagpakilalang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bahay ng isang negosyante at tinangay ang kanyang mga pera at alahas kama­kalawa ng gabi sa Sta. Rosa City, Laguna.

Batay sa report, dakong alas-8 ng gabi nitong Sabado nang biglang dumating sa bahay ng complainant na si Nino Marfil, 46, ang apat na armadong lalaki at nagpakilalang mga tauhan ng PDEA.

Hinanap ng mga ito ang kapatid ni alyas Onin na si alyas Marilou subalit hindi nakita kaya hinalughog na lamang ang bahay ng negosyante.

Nakuha ng mga suspek ang cash na P628,000, iba’t ibang klase ng alahas at dalawang cellphone saka mabilis na tumakas ga­mit ang isang kulay pulang Toyota Vios.

Sa pagsasalarawan ng biktima, ang mga suspek ay may taas na 5’7 at 5’9, nakasuot ng kulay itim na jacket, face mask at black cap.

Show comments