^

Metro

Pangalan ng PNP at CIDG chief sa kotong, 3 timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong kalalakihan matapos na makumpirma na gina­gamit ang pangalan ni  PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at CIDG chief  Maj. Gen. Leo Francisco  sa pangongotong  sa illegal gambling operators sa Mindanao.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni  Francisco ang mga suspek na sina Jeffrey Sison at Neil Toledo, kapwa ng  Pasig City and Ralph Stephen Abrenica, ng San Juan, Batangas.

Nakalawit ang  tatlo sa isinagawang  dragnet ­operations sa  Barangay Labangal  nitong Huwebes.

Lumilitaw na hinihi­ngan ng mga suspek  ng  P2.5 milyon ang bawat illegal gambling operators para sa proteksiyon ng  kanilang  illegal activities.

Ayon kay Francisco, matagal na silang nakatanggap ng impormasyon hinggil dito, kaya  nagsagawa na  sila  ng beripikasyon saka ikinasa ang  operasyon.

Inaalam na rin ng  CIDG kung  miyembro ang mga suspek ng sindikato at kung may kasabwat  na pulis ang mga ito.

Inihahanda na ang  kaukulang kaso laban sa mga suspek.

vuukle comment

ARESTADO

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with