^

Metro

Bagong insidente ng ‘kaltas-ayuda’ iniimbestigahan na ng DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang panibagong kaso ng pagkaltas sa cash assistance mula sa benepisyaryo ng ayuda mula sa ahensiya.

Batay sa report, isang umanoy coordinator na nagtatrabaho sa isang local official ang umanoy nagkaltas ng P9,300 mula sa P10,000 halaga financial assistance na natanggap ng tatlong beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Cagayan de Oro City

“Unang-una, napakalahaga na makuha natin talaga ang detal­ye ng insidente na ito, so we could make the necessary investigation. Pangalawa po, we treat this again as an isolated case dahil there’s only one complainant pertaining to the issue. Of course, we cannot generalize that this is happening in the entire region. But then again, of course, gaya ng nabanggit ko, gagawin po natin yung kaukulang imbestigasyon,” ani DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao.

Sabi ni Dumlao makikipag-ugnayan ang ahensya sa Field Office nito sa Northern Mindanao, na siya ring nakikipag-usap sa mga complainants upang asistehan ang mga ito sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

Nagbabalang muli si Dumlao sa mga gu­magawa nang pagkaltas sa mga grants na tinatanggap ng AICS be­neficiaries na kakasuhan ang mga ito kapag napatunayang totoo ang bintang sa kanila.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with