^

Metro

Koreano hinarang sa puslit na 47M Japanese Yen sa NAIA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naharang  ng mga  tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang  isang  South Korean  na mula sa Tokyo, Japan nang mabisto sa kanyang bagahe ang milyun-milyong halaga ng Japanese yen na hindi niya dineklara.

Ayon kay Customs assistant deputy collector for passenger ser­vices Mark Almase, nadiskubre sa X-ray inspection ang  itinagong 47 milyong Japanese yen na katumbas ng $292,307  o mahigit P17 milyon, ng dayuhang si Kim Tae-hyun, sa kanyang check-in luggage.

Nang tanungin ang Korean kung siya ay mayroong dapat ideklara at idaan sa scan ng  Customs General Declaration QR code, “no” lamang ang naisagot nito.

Inimbitahan siya sa exclusion room para sa physical examination ng bagahe ng Customs Enforcement Security Service (ESS), Customs police  at airline flight supervisor, kung saan nadiskubre ang mga bundle ng Japanese yen bills na nakabalot sa itim na tela kasama ng diving gear.

Paglabag sa Customs Mo­dernization and Tariff Act ang nilabag umano ni Kim at kukumpiskahin ang nasabing salapi alinsunod sa National Anti-Money Laundering and Counterterrorism Proliferation Financing Strategy.

Naiturn-over na sa  Baggage Assistance Division ang mga yen habang si Kim ay sasailalim sa inquest proeedings sa Pasay City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with