Kadete patay sa training

Dead-on-arrival sa San Lorenzo Ruiz Hospital si Candidate Soldier Joel V. Jimena Jr. (157590-N) ng Basic School Marine Barracks Gregorio Lim, Brgy. Sapang 1,Ternate Cavite.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang kadete nang mag-collapsed habang nasa swimming lesson at practical application nitong Miyerkules ng umaga sa Ternate, Cavite.

Dead-on-arrival sa San Lorenzo Ruiz Hospital si Candidate Soldier Joel V. Jimena Jr. (157590-N) ng Basic School Marine Barracks Gregorio Lim, Brgy. Sapang 1,Ternate Cavite.

Batay sa ulat ng pulisya, alas-7:10 ng umaga nang maganap ang insidente.

Nagsasagawa ng swimming lesson at practical application ang biktima sa Katungkulan Beach Marine Barracks Gregorio Lim, Ternate, Cavite kasama ang iba pang  kadete nang  magcollapsed ito.

Agad na itinakbo sa nasabing ospital ang biktima subalit hindi na naisalba pa.

Inaalam pa ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Show comments