^

Metro

Lalamove rider, na hinarassed sa ‘Wattah! Wattah Festival’ nagsampa ng kaso

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni San Juan City Mayor Francis Zamora na pormal nang nagsampa ng kaso ang isang Lalamove rider na na-harassed umano sa pagdiriwang ng ‘Wattah! Wattah Festival! sa lungsod nitong Lunes.

Personal na sinamahan kahapon ni  Zamora sa Office of the City Pro­secutor, Hall of Justice ang rider na si  Eustaquio Rapal upang maghain ng  kasong  unjust vexation, slander at maliscious mischief laban sa isang indibidwal na nang-ha­rassed sa kanya sa Wattah! Wattah Festival!  na bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. John the Baptist.

Bagama’t alam niyang  ang pagdiriwang, pinuntirya siyang basain  at nang siya ay nanlaban, pinagbabatukan pa siya.

Humingi naman ng paumanhin  si Zamora sa naging asal ng iilang mga residente  na nambasa.

Tiniyak pa ni Zamora na hindi na mauulit ang  insidente at hindi  nila kukunsintihin ang ganitong mga pangyayari.

Hinikayat rin niya ang mga taong nais na magsampa ng kaso na magtungo lamang sa kanilang tanggapan at tiniyak na tutulungan nila ang mga ito.

Babala pa ni Zamora, iisa-isahin nila ang mga larawan at video upang  matukoy ang mga dapat na managot sa  insidente.

Nabatid na sa ilalim ng Revised Penal Code, ang mga violators ay maaaring sampahan ng mga kasong direct assault, less serious physical injuries, light threats, light coercions, unjust vexation, slander at iba pa, na may malaking parusa.

FRANCIS ZAMORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with