^

Metro

Truck driver, pahinante natuhog ng ide-deliver na bakal

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lasog ang katawan ng isang truck driver at kanyang pahinante nang aksidenteng matuhog ng bakal na kanilang idedeliver  sa Brgy. Bunawan, Davao City.

Dead on the spot ang mga biktimang sina Nestor Dela Cruz Doronio, 56, driver, residente ng New Ilocos Magsaysay, Davao del Sur at pahinante na  si KR Salem Reasonable, 24,  mula sa Marber, Bansalan Davao del Sur.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang insidente nitong Hunyo 25 sa  Cargo Entrance, Davao International Airport, Garcia Highway, Brgy Bunawan Davao City.

Nabatid  na karga ng prime mover truck ang nasa 50  piraso ng 12-millimeter steel sheets,  nang  biglang tumawid sa intersection sa pedestrian  lane ang  isang  32 anyos na Airport Security  Assistant.

Biglang nagpreno si Doronio at tumagos ang mga bakal sa ulo ng truck kung saan naroon siya ng kasamang pahinante.

Naipit ang mga biktima at kinailangan  ang rescuer upang matanggal ang kanilang katawan. Sa kuha naman ng  CCTV sa lugar, naka-go ang signal light at iligal na  huminto ang isang  pampasaherong jeep at bumaba ang  isang babae na  tila nakipagpatintero sa  pagtawid sa mga sasakyan.

Desidido naman ang pamilya ng mga biktima na  magsampa ng  kasong reckless imprudence resulting to homicide  laban sa driver at sa pedestrian.

vuukle comment

NESTOR DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with