^

Metro

19 kilo pa ng shabu nabingwit sa Ilocos Sur

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tila hindi natatapos ang mga nasasamsam na shabu sa Ilocos Sur nang isang  itim na sako na naglalaman ng 19 na pakete ng shabu na tumitimbang ng 19 kilo ang nabingwit ng dalawang  mangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Puro, Magsingal, Ilocos Sur kamakalawa ng  umaga.

Unang nadiskubre nitong Hunyo 24 sa Brgy. Solotsolot, San Juan, Ilocos Sur  ang palutang-lutang na 24 pakete ng shabu na may Chinese markings  na  nasundan  ng 18 pang pakete ng illegal na droga sa territorial waters ng Villamar, Caoayan sa nasabi ring lalawigan.

Isinurender na ng dalawang mangingisda sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philipine National Police-Ilocos Sur Provincial office (PNP-ISPO), Magsingal Municipal Police Station,  PNP Maritime at  Philippine Coast Guard, ang  sako na umano’y naglalaman ng 19 na pakete ng shabu.

Batay sa ulat ng PDEA, dakong alas-6 ng umaga nitong Huwebes nang makitang palutang-lutang ng mga mangingisda na sina Ian Jake Tiqui, 20, at Rommel Oxciano, 31,  kapwa residente ng Sitio Nagpartian Brgy. Puro, Magsingal Ilocos Sur ang sako na naglalaman ng 19 na transparent pack ng puting crystalline substance o shabu.

Samantala, pagkakalooban naman ng Ilocos Sur Provincial government ng tig-P50,000 ang dalawang mangingisda na nagsurender sa mga illegal na droga bilang pabuya habang P5,000 naman kada pakete ang ibibigay ng PDEA.

Nasa pag-iingat na ng PNP Ilocos Sur ang mga  droga habang patuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan nito.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with