Lalaki binuhusan ng tubig, rumesbak ng asido!
Sa Wattah Wattah Festival sa San Juan
MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki matapos na umano’y manaboy ng muriatic acid sa mga residente na nambasa sa kanya ng tubig sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Wattah! Wattah Festival! sa San Juan City noong Lunes.
Nahaharap sa kasong physical injuries ang suspek na si Boni
facio Serrano Jr., 33, ng Brgy. Cupang, Antipolo City matapos na umano’y sabuyan ng muriatic acid ang biktimang si Alexander Severo, 30.
Batay sa ulat ng San Juan City Police, alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kanto ng Aurora Boulevard at S. Veloso
St. sa Brgy. Salapan. Papasok na umano sa trabaho si Serrano nang siya ay buhusan ng tubig ng mga residente, kabilang si Severo.
Ikinagalit naman ito ng suspek nang mabasa ng tubig kaya’t bigla siyang kumuha ng bote ng muriatic acid at isinaboy sa mga residente. Tinamaan naman umano ng asido sa mata si Severo kaya’t kaagad itong humingi ng tulong kung kaya inaresto ng mga pulis ang suspek.
Ang Wattah Wattah Festival na tinatawag ring “Basaan Festival”, ay taunang selebrasyon sa San Juan City bilang parangal sa kanilang patron na si St. John the Baptist.
- Latest