2 binatilyo tinodas habang naglalaro sa computer shop

Hindi matanggap ng isang ama ang pagkamatay ng kanyang bunsong anak na pinagbabaril ng hindi pa nakikilala ng mga suspek nitong Linggo sa Samal, Davao del Norte.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang binatilyo matapos walang awang pagbabarilin habang naglalaro sa isang computer shop sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte. Nasapul sa CCTV ang insidente.

Hindi matanggap ng isang ama ang pagkamatay ng kanyang bunsong anak na pinagbabaril ng hindi pa nakikilala ng mga suspek nitong Linggo sa Samal, Davao del Norte.

Nakilala ang mga
biktimang sina Filjack Morato, 15 at Daniel Udtohan, 16.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente sa loob ng isang computer shop sa Island Garden City sa Samal.

Sa kuha ng CCTV sa loob ng computer shop, nakitang naglalaro ang mga biktima kasama ang iba pang mga kabataan nang biglang pumasok ang mga suspek at pinagbabaril ang mga
biktima.

Nagpulasan ang mga nasa loob ng compu­ter shop habang patuloy ang pamamaril ng mga suspek.

Tinangka pa tumakas ni Morato subalit pinagbabaril pa rin ito ng isa sa mga suspek.

Sinabi naman ni PMaj. Atty. Sheryl Bautista, hepe ng IGACOS PNP, tinitignan nila na personal na galit ang motibo sa pamamaslang.

Sangkot umano ang mga biktima sa nakawan ng kambing at iba pang bagay ng kanilang mga kapitbahay. Bineberipika pa rin nila ang impormasyon.

Subalit ayon kay Filmore Morato, ama ni Filjack, imposibleng masangkot ang kanyang anak sa nakawan dahil sa computer lamang ito naglalagi at isa itong mabait na bata.

Humihingi sila ng hustisya sa pagkamatay ng dalawang binatilyo.

Show comments