Rider dedo sa salpok ng SUV

Tumilapon at tama sa ulo ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ng biktimang si Alvin Vera Cadavin, residente ng Tanza, Cavite.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tigok ang isang motorcycle rider makaraang bumangga sa isang Toyota Fortuner sa kahabaan ng Brgy. Bunga, Tanza, Cavi­te, kamakalawa ng hapon.

Tumilapon at tama sa ulo ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ng biktimang si Alvin Vera Cadavin, residente ng Tanza, Cavite.

Nahaharap naman sa mga kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide and Damage to Property ang suspek na kinilala sa alyas Andres, driver ng Fortuner.

Limilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na naganap ang aksidente dakong alas-3:30 ng hapon.

Sakay ang biktima ng kaniyang SkyDrive motorcycle at bumabagtas sa nasabing lugar ng habang papatawid ay nasalpok ng paparating na Toyota Fortuner (ZKL 439) ng suspek.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang biktima at sumadsad sa konkretong kalsada.Naitakbo pa ito sa pagamutan subalit hindi na naisalba pa.

Show comments