^

Metro

P2.7 milyong illegal drugs nasamsam ng SPD

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P2.7 milyong illegal drugs nasamsam ng SPD
Stock image of a capsule medicine.
Pixabay

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P2.7 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa loob ng isang linggo.

Ayon kay SPD Director PBGen. Leon Victor Rosete, 44 operasyon ang naisagawa mula Hun­yo 19 hanggang Hun­yo 25 na nagresulta sa pagkadakip ng nasa 58 katao na nahulihan ng 404.79 gramo ng shabu at 3.6 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga ng P2,753,004.00.

Patunay aniya ito na patuloy lang ang paglaban sa iligal na droga sa kanilang nasasakupan at pagpapanatli ng kaayusan.

Samantala, nitong Hunyo 26, halos P800K pang iligal na droga ang nasabat sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Para­ñaque at Muntinlupa at nagresulta sa pagdakip sa limang ‘tulak’.

Alas-5 ng mada­ling araw kahapon (Miyerkules) nang maaresto sina alyas “Jerico” 28; alyas “Julie, 27; alyas “Asnawi”, 27; alyas “Abigail”, 30 na nakuhanan ng 65 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P442,000.00 sa Santiago St., Barangay Baclaran, Parañaque City.

Kasunod naman nito, alas-9:33 ng umaga nang madakip ang isang alyas “Totoy”,36, at nasabat ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00 , sa Purok 1 Block 10, Brgy. Bayanan, Muntinlupa City.

Ang mga suspek ay isasailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

SOUTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with