^

Metro

PNP IMEG special team binuo vs moonlighting cops

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumuo na ng special team ang Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) na tututok sa mga pulis officers na nagmo-moonlighting bilang bodyguards ng mga indibiduwal.

Ayon may PNP IMEG Director Brig. Gen. Warren de Leon, magsasagawa ng intelligence-driven operations ang kanilang special team sa mga casinos, restaurants at mga pampublikong lugar na madalaa na pinupuntahan ng VIP ay may kasamang mga pulis na nagsislbing bodyguards.

Binigyan diin ni De Leon na kailangan nang matapos ang mga illegal na gawain ng mga pulis dahil mas kailangan ang mga ito sa lansangan at hindi sa iilang indibiduwal.

Nabatid na sa kanilang pinaigting na kampanya, wala na silang nakikita o namomonitor na mga pulis sa mga hotel na nagsisilbing security escort ng mga mayayaman o VIP.

Matatandaan na dalawang miyembro ng Special Action Force (SAF) ang sinibak matapos na madiskubreng nagmo moonlighting sa dalawang Chinese sa Muntinlupa City.

Samantala, pinaiimbestigahan din ni Inte­rior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang presensiya ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa isang pribadong event sa Pasig City.

Sa inilabas na statement ni Abalos ngayong hapon, sinabi nito na mayroong nakarating sa kanyang impormasyon hinggil sa presensya ng SWAT team mula sa Batangas sa isang soft launching ng isang networking company na isinagawa sa nasabing lungsod.

Ayon kay Abalos batay sa mga litrato ay naka uniporme pa ang mga SWAT at bitbit pa nila ang kanilang mga baril. Hindi din malinaw sa pahayag ni Abalos kung anong klaseng event ito at kung bakit kinakailangan ng presesnya ng SWAT sa lugar.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with