4 tinedyer na wanted sa pagpatay, arestado!
MANILA, Philippines — Apat na teenagers na pawang itinuturing na most wanted persons (MWPs) ng mga awtoridad sa Makati City dahil sa kasong pagpatay, ang naaresto inaresto sa Sta. Ana, Manila, nabatid kahapon.
Kinilala ang mga naarestong MWPs na sina Gedrick Rodillas, 18, tricycle driver, ng San Andres Bukid, Manila at itinuturing na Top 1 MWP sa station level; AJ Atienza, 18, tricycle driver, ng San Andres Bukid, Manila, na itinuturing na Top 4 MWP sa station level; at dalawang 16-anyos na lalaki, na hindi na pinangalanan dahil sa pagiging menor-de-edad ng mga ito, ngunit kapwa itinuturing na Top 2 at Top 3 MWP sa station level.
Lumilitaw sa naantalang ulat ng Manila Police District (MPD)-Warrant and Subpoena Section na dakong alas-5:45 ng hapon ng Biyernes nang maaresto ang mga suspek sa Zobel Roxas St., sa Sta. Ana, Manila.
Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inisyu ni Hon. Cristina Javalera Sulit, presiding judge ng Makati City Regional Trial Court Branch 140 noong Hunyo 13, 2024.
Nag-ugat ang kaso matapos na bugbugin at pagsasaksakin ng mga suspek ang textmate ng nobya ni Rodillas sa P. Ocampo St., sa Brgy. La Paz, Makati City, dakong alas-8:20 ng gabi noong Disyembre 1, 2023 nang dahil lamang sa selos.
- Latest