MANILA, Philippines — Malungkot ang dalawang Korean nationals nang kumpiskahin ng Bureau of Customs Port of NAIA ang 80 milyon Korean Won o mahigit na P3 milyon dahil sa hindi pagdedeklara ng kanilang salapi ng dumating ang mga ito sakay ng PAL flight PR 467 sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) Terminal 1 galing Korea.
Sinabi ng Customs office. maari naman umapila ang mga dayuhan sa BOC Law division office tungkol sa mga legal matters depende na lang kung valid ang kanilang dahilan sa hindi pagdedeklara sa 80,000,000 million won o katumbas ng P3,221,120.
Ayon sa pinaiiral na batas ng Bangko Sentral ng Pilipinas kailangang ideklara sa BOC ang perang hindi lalagpas ng US$10,000 at P10,000 Philippine peso para malaya nilang mailabas o maipasok ang pera sa bansa.