Higit P1 taas-presyo sa petrolyo, larga na
MANILA, Philippines — Lalarga na ngayong araw (Hunyo 25) ang malakihang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Inihayag ng mga malalaking kumpanya ng langis na Petron Corporation, Pilipinas Shell, at Chevron Philippines, kasama ang maliliit na kumpanyang Seaoil Philippines at Flying V, na ang presyo ng kanilang mga produktong diesel ay tataas ng P1.75 kada litro, gasolina ng P1.40 kada litro at kerosene sa pamamagitan ng P1.05 kada litro na epektibo alas-6:00 ng umaga ng Martes.
Dalawang iba pang higanteng langis, ang PTT Philippines at Total Philippines na walang produktong kerosene, ay may bagong pump prices ng gasolina at diesel sa parehong mga pagtaas, alas-6:00 din ng umaga ng Martes.
Ang independent players na Petro Gazz, Unioil Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum Philippines, at Eastern Petroleum na hindi nagbebenta ng kerosene ay magpapatupad ng parehong mga hanay ng pagtaas ng presyo ng langis pagsapit din ng alas-6:00 ng umaga habang ang Clean Fuel ay magtataas ng presyo nito pagsapit pa ng alas-4:01 ng hapon ng Martes.
Nitong nakaraang linggo lamang nang ipatupad ng mga lokal na kumpanya ng langis ang big-time price hikes na P1.75 kada litro sa mga produktong diesel, kerosene ng P1.90 kada litro at gasolina ng P0.85 kada litro.
Sinabi ng PTT Media Relation Officer na si Jay Julian na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa ibang bansa dahil sa geopolitical tensions at mga panganib sa supply ay nagdulot ng pagtaas ng presyo sa domestic.
- Latest