44-anyos negosyante itinumba sa Quezon City

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Cyrus Aranda, 44, alyas “Raymund”, residente ng Cubao, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Cyrus Aranda, 44, alyas “Raymund”, residente ng Cubao, Quezon City.

Batay sa police report, nangyari ang insidente dakong alas-6:25 ng gabi sa Committee St., Area C, Talanay, Brgy. Batasan Hills.

Nabatid na nakarinig na lamang ng sunud-sunod na putok ng baril ang saksing si alyas “Jonel” hanggang sa makita niyang naliligo sa sariling dugo ang biktima.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang suspek gayundin ang motibo sa krimen.

Show comments