MANILA, Philippines — Malaking dagok na naman sa mga motorista ang magaganap na big-time oil price hike sa susunod na linggo.
Ito ay makaraang ianunsyo ng oil players na magtataas sila ng presyo ng mga produktong petrolyo nang mula 85 centavos hanggang P1.15 kada litro ng gasolina,P1.55 hanggang P1.85 kada litro sa diesel at sa kerosene ay magtataas sila nang mula P1.00 hanggang P1.10 kada litro.
Sinasabing ang galaw sa nagdaang apat na araw sa presyuhan ng petrolyo ang ugat ng oil price hike.
Tuwing Martes, ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis ang oil price adjustment.