Delivery rider todas, 2 pa sugatan sa pamamaril sa Quezon City

Dead-on-arrival sa Maclang Hospital ang biktimang si Gerardo Ebron Obiso, 44, Grab driver na nagtamo ng mga tama ang bala ng baril sa dibdib, tiyan at kanang balikat habang ginagamot na sa ospital sina Aljon Obiso Abad, 29 at Jericho Panas Ora, 26; pawang taga-Litex Road. Brgy. Commonwealth, QC.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang delivery rider habang dalawa naman ang sugatan nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Maclang Hospital ang biktimang si Gerardo Ebron Obiso, 44, Grab driver na nagtamo ng mga tama ang bala ng baril sa dibdib, tiyan at kanang balikat habang ginagamot na sa ospital sina Aljon Obiso Abad, 29 at Jericho Panas Ora, 26; pawang taga-Litex Road. Brgy. Commonwealth, QC.

Sa ulat, dakong ala-1 ng  madaling araw nang maganap ang pamamaril sa Purok 5, Litex Road, Brgy. Commonwealth, QC.

Sa salaysay ng saksi, nakita niyang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga biktima at suspek. Naawat naman sila hanggang sa umalis ang suspek. Gayunman, makalipas ang ilang minuto, bumalik ang suspek na may dala nang baril at walang habas na pinaputukan ang mga biktima saka mabilis na tumakas.

Narekober ng SOCO team ang pitong basyo ng kalibre .45 baril at isang metallic jacket sa crime scene.

Show comments