^

Metro

MMDA nagbabala sa bagong ‘text scam’ sa traffic violation

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay ng text message na nagpapayo sa kanila na magbayad ng multa gamit ang isang link.

“MMDA NCAP Office notice: Your traffic violation penalty bill is 3 days past due. Failure to pay will result in an fail vehicle registration,”ang nilalaman ng nakalap na text message mula sa sender na CASHPROM.

Payo ng MMDA sa pubiko, huwag mag-click ng anumang ipinadadalang link sa text message dahil isa itong scam, maging mapagmatyag at huwag ding magbigay ng mga personal at sensitibong impormasyon.

Maaaring direktang makipag-ugnayan ang mga motorista sa MMDA para iberipika ang anumang mensahe sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Hotline 136.

Maaari rin umano silang magpadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng email sa [email protected], o sa pamamagitan ng social media accounts ng ahensya sa Facebook (@MMDAPH) at X (@MMDA), o tingnan ang opisyal na website nito sa mmda.gov.ph.

Matatandaang noong nakalipas na buwan lamang nang magpalabas din ng babala ang MMDA hinggil sa “No Touch Arrest Penalty” scam na batay naman sa mensaheng ipinadadala sa publiko ng mga scammers na --“MMDA No-Touch Arrest Pe­nalty Notice: Please go to go-ph.tw to pay the penalty after you have been notified that failure to pay will void your vehicle register.”

Iginiit ng MMDA na wala silang polisiya na magpadala ng text messages kaugnay sa traffic violation.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with