^

Metro

MMDA, MMC at LGUs sanib-puwersasa pagbaklas ng nakalaylay na kable

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aprubado ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon na naghihikayat sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila na magpasa ng isang ordinansa na magre-regulate at magmo-monitor sa ­installation at maintenance ng distribution lines at upang iwasan ang pagkakaroon ng mga nakalaylay na kawad ng kuryente at “spaghetti” cables sa mga lansangan sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Don Artes, ang mga naglaylayang kawad, overloaded na mga poste, at gulu-gulong paglalagay ng mga distribution wire sa kahabaan ng mga lansangan ng Metro Manila ay hindi lamang nakakasira sa paningin kundi nagdudulot ng disgrasya o panganib sa buhay at ari-arian ng publiko.

 “Noong isang araw ay may bumagsak na poste dahil sa salasa­labat na wire at nagdulot ng mabigat na trapiko. Walang nakadaan dahil nakaharang sa daan... Kailangan nang maiwasan ang ganito para hindi na umabot sa pagkawala ng buhay,” ani Artes, na nanguna sa pinagsanib na pulong ng MMC at Regional Development Council kahap[on sa MMDA Head Office sa Pasig City.

Nagpaliwanag naman ang Meralco na hindi basta-basta matatanggal ang mga kawad ng kuryente dahil nahihirapan sila sa pagtukoy kung gumagana o hindi ang electric power, bukod pa sa mara­ming residente ang nag­rereklamo na naapektuhan sa pansamantalang power interruptions.

Bago ang paglilinis, maglulunsad muna ng information drive para mabigyan ng maagang paalala ang mga residente.

Sa ilalim ng MMDA Resolution 24-16 Series of 2024, ang mga nakabitin na wire, overloaded na mga poste, at jumbled placement ng distribution wires ay isang pangkaraniwang tanawin sa Metro Manila na hindi lamang sumisira sa cityscape kundi nagdudulot ng malubha at seryosong banta sa buhay.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with