Kagawad naglaro ng baril, itinutok sa bibig, utas!
Nakipiyesta sa bahay ng vice mayor
MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay kagawad makaraang pumutok ang nilaro nitong baril na itinutok pa mismo sa kanyang bibig sa harap ng mga kainuman sa dinaluhang piyesta sa bahay ng kanilang vice mayor, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tambo Kulit, Indang, Cavite.
Kinilala ang biktima na si John Bonne Noel, nasa hustong gulang at incumbent barangay kagawad ng nasabing lugar.
Sa ulat ng Indang Police, alas-7:35 ng gabi ay nakipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan nito sa dinaluhang fiesta
ng barangay. At dahil siguro sa marami na siyang nainom, inilabas nito ang kanyang cal. 45 upang ipakita sa mga kainuman at inalis pa nito ang magazine.
Itinutok ito sa kaniyang bibig at kinalabit, sa unang kalabit ay hindi ito pumutok subalit nang muli nitong kalabitin ang gatilyo ay dito na ito pumutok at sumambulat ang bibig nito.
Nagpulasan sa takot ang mga kainuman ng biktima, kung saan agad naman naitakbo sa Poblete Hospital ang biktima subalit hindi na naisalba pa ng mga sumuring doktor.
- Latest