Sirena ng mga pulis, bumbero sabay-sabay na pinatunog

Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. leads the flag-raising and wreath-laying ceremony at the foot of the Andres Bonifacio Monument in Caloocan City, in celebration of the 126th Philippine Independence Day on June 12, 2024.
STAR/Miguel De Guzman

Sa Araw ng Kalayaan

MANILA, Philippines — Sabay-sabay na pinatunog ang mga sinera ng mga bumbero at pulis, na naging hudyat upang isigaw nina Caloocan City Mayor Along Malapitan, Cong. Oca Malapitan at Interior Secretary Benhur Abalos kasama ang iba pang opisyal ng lungsod ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon ng umaga sa Bonifacio monument sa Caloocan.

Ayon kay Mayor Along, hindi dapat na mawala sa bawat Pilipino ang pakiki­paglaban para sa kalayaan ng bansa na matata­masa rin ng mga susunod na henerasyon.

Pagbabalik tanaw at pagbibigay pugay naman sa mga bayani para kay Abalos ang dapat na gawin ng mga Pilipino upang manatili ang kalayaan ng bansa.

Paliwanag ni Abalos na sa kasalukuyang panahon, hindi lamang kalayaan mula sa ibang bansa ang dapat na pagtuunan ng pansin kundi ang kalayaan mula sa problema tulad ng iligal na droga, kriminalidad, korapsyon at iba pang salot ng lipunan na nagdudulot ng pasakit at paghihirap sa bayan.

Wala aniyang imposible kung magkakaisa at sama-sama ang bawat Pilipino sa mga hamon sa buhay tungo sa maayos at payapang pamumuhay.

Show comments