Sirena ng mga pulis, bumbero sabay-sabay na pinatunog
Sa Araw ng Kalayaan
MANILA, Philippines — Sabay-sabay na pinatunog ang mga sinera ng mga bumbero at pulis, na naging hudyat upang isigaw nina Caloocan City Mayor Along Malapitan, Cong. Oca Malapitan at Interior Secretary Benhur Abalos kasama ang iba pang opisyal ng lungsod ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon ng umaga sa Bonifacio monument sa Caloocan.
Ayon kay Mayor Along, hindi dapat na mawala sa bawat Pilipino ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa na matatamasa rin ng mga susunod na henerasyon.
Pagbabalik tanaw at pagbibigay pugay naman sa mga bayani para kay Abalos ang dapat na gawin ng mga Pilipino upang manatili ang kalayaan ng bansa.
Paliwanag ni Abalos na sa kasalukuyang panahon, hindi lamang kalayaan mula sa ibang bansa ang dapat na pagtuunan ng pansin kundi ang kalayaan mula sa problema tulad ng iligal na droga, kriminalidad, korapsyon at iba pang salot ng lipunan na nagdudulot ng pasakit at paghihirap sa bayan.
Wala aniyang imposible kung magkakaisa at sama-sama ang bawat Pilipino sa mga hamon sa buhay tungo sa maayos at payapang pamumuhay.
- Latest