^

Metro

P/Colonel, 2 pa timbog sa ‘rentangay’ carnapping

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P/Colonel, 2 pa timbog sa ârentangayâ carnapping
Kinilala ang mga dinakip na sina PLt. Col. Gideon Ines, Jr.; 52; Michael Perez Bautista, 42 at Lyn Salazar Tuazon, 25.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Sasakyan ibinebenta online

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa isinagawang entrapment operation sa Parañaque City ang isang police official at dalawang sibil­yan matapos na iturong sangkot sa “rentangay” carnapping modus sa Bamban, Tarlac.

Kinilala ang mga dinakip na sina PLt. Col. Gideon Ines, Jr.; 52; Michael Perez Bautista, 42 at Lyn Salazar Tuazon, 25.

Nag-ugat ang pagdakip sa tatlo sa reklamong inihain ng may-ari ng isang multi-purpose vehicle (MPV) matapos na malamang ibinebenta ng mga suspek ang kanyang sasakyan sa halagang P350,000 nitong Hunyo 5.

Ayon sa complainant, tinawagan siya ng bibili kung siya mismo ang may-ari ng sasakyan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na inarkila ni Bautista nitong Hunyo 2 ang sasakyan ng complainant sa loob ng dalawang araw subalit hindi ito naibalik.

Anang complainant, si Bautista ang kumuha ng sasakyan matapos na maproseso ang pagrenta sa online ni Tuazon.

Inaalam na ng pulisya ang impormasyon na si Ines naman umano ang nag-uutos sa pagbebenta ng sasakyan.

Agad na humingi ng tulong ang complainant sa HPG at isinagawa ang entrapment operation sa Baclaran, Parañaque City na nagresulta ng pagkakadakip ng tatlong suspek at pagbawi sa nasabing sasakyan.

HPG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with