^

Metro

LTO naglunsad ng 2-day e-patrol services sa Luneta

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maglulunsad ng 2-day E-Patrol Services ang Land Transportation Office (LTO) sa Rizal Park o Luneta Park sa Maynila.

Ito naman ang sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza  na layong matulungan ang indibiduwal na nais na mag-renew ng driver’s license o kumuha ng student permit.

Ayon kay Mendoza, simula ngayong Lunes, Hunyo 10 hanggang Hunyo 11, bukas ang LTO E-Patrol Services bilang pakikiisa sa paggunita sa ika-126 Araw ng Kalayaan. Pagsuporta rin ito sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.na ilapit ang mga serbisyo ng gob­yerno sa publiko.

Bukod sa student permit at pag-renew ng driver’s license, naglaan din ang LTO ng Public Assistance Complaints Desk at LTMS Portal assistance para sa mga kailangang magpalit ng password o mag-retrieve ng account.

Libre naman ang medical exam para sa unang 100 applicants, na isa sa mga pangunahing requirement sa pagkuha ng lisensya.

Paalala ng LTO na magdala lamang ng mga kinakailangang dokumento tulad ng birth certificate, valid ID, at TDC o Theoretical Dri­ving Course para sa mga aplikante ng Student Permit, o pasadong CDE o Comprehensive Driver’s Education exam para sa mga mag-rerenew ng lisensya, na maaari ring gawin onsite.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with